Daily Archives: April 15, 2014
Sa Ika 72 Taon Ng Araw ng Bataan, Alalahanin Ang Bataan!
PAUNAWA NG JFAV
Pahayag sa Ika 72 Taon ng Pagbagsak ng, April 9, 1942
April 15, 2014
Sa Ika 72 Taon Ng Araw ng Bataan, Alalahanin Ang Bataan!
Los Angeles—Ginunita ng Justice for Filipino American Veterans (JFAV) ang ika-72 taon ng Pagbagsak ng Bataan , Abril 9, 1942 at pinarangalan ang mga beteranong Pilpino at Amerikano sa Ikalawang Pambansang Komperensya nito nong Abril 5, 2014 sa Student Activities Center ng University of California of Los Angeles (UCLA).
Hindi malilimot at laging tatandaan ng JFAV at ng komunidad Filipino-Amerikano ang Araw ng Bataan dahil hindi lamang ito na mabuluhang pagkatalo kundi isang tagumpay ng diwang palaban ng mga Pilipino na manaig kahit sa pinakamahirap na pagkakataon.
Araw ng Kagitingan
Pinarangalan ng JFAV ang mga yumaong baterano maging ang mga nabubuhay at ang kanilang mga naiwan sa paggunita ng ika-72 taong ng Pagbagsak ng Bataan kayat tinawag din itong Araw ng Kagitingan . Ito ang araw ng pagsuko ng may 90,000 pwersa ng USAFFE sa mga Hapones noong Abril 9, 1942.
Pagkaraan ng halos apat na buwang pakikipaglaban at limang araw ng matinding labanan,, isuko ni Heneral Edward King Jr. ng USAFE ang kanyang 90,000 tropa kay Heneral Hommna “upang maiwasan ang hindi kinakailangang pagbubuwis ng maraming buhay.”
Matapos sumuko, pinilit ng mga Hapones ang mga pwersa ng USAFFE sa isang “Death March” mula sa Mariveles, Bataan hanggang sa San Fernando, Pampanga at mula doon sila pinasakay sa mga bagong ng tren patungo sa Camp O’Donnel sa Capas. Tarlac.
Sa loob ng 60 kilometrong martsa, may mahigit na 30,000 Pillipino at Amerikano ang nasawi dahil sa kalupitan at pagpaparusa ng mga Hapones.
Hindi ibig sabihin nito na ipinagdiriwang ng mga Pilpino ang mga pagkatalo kung hindi tayo ay isang magiting na lahi at ang pagsuko ay hindi natin gawi. Ang nagsuko sa Bataan ay utos ng mga Amerikano at sumunod lamang tayo s autos. Kung hindi magpapatuloy na lalaban ang mga Pilipino.
Lumaban tayo sa loob ng mahigit na 12 taon kahit nadakip na si Heneral Aguinaldo ng mga Amerikano sa digmaang Pilpino Amerikano ng 1899 hanggang 1902, hanggang ibigay ng mga Amerikano ang kalayaan ng Pilipinas noong 1946.
Para sa isang Pilipino, ang pagsuko ay isang kahihiyan at lumaban tayo laban sa mga Hapones sa loob ng ilang taon ( 1942-1945) hanggang makalaya ang Pilipinas noong 1946.
Ang Hindi Magagaping Diwa ng Bataan
Sa kabila ng pagsira ng Pilipinas ng mga Hapon at mga Amerikano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling bumangon ang Pilipinas at naging Ikalawang makapangpangyarihang Bayan sa Asya. Nasira lamang ito sa loob ng 14 na taong ng paghahari ng diktadurang Marcos sa loob ng 14 na taon. Ng batas militar.
Kaya ang di-magagaping diwa ng Bataan ay nabubuhay tulad ng pagbabangon ng bayan sa People’s Power ng EDSA 1 na nagpabagsak kay Marcos noong 1986. Ito ang diwa ng Bataan na hindi susuko sa pang-aapi kailanman.
Hindi katulad ng mga Amerikanong hindi ipinagdiriwang ang pagsuko ng Konpederasyon noong Abril 9, 1865 sa Appomatix Court House sa Virginia ni Heneral Robert Lee kay Heneral Ulysses Grant ng Unyon ng Amerika,
Ito ay dahil sa nirerespeto nila ang rasistang sensibilida ng Timog Estados Unidos Ngunit sa atin, maringal nating ginugunita ang labanan sa Bataan at ang makahayop na “Death March” at ang pagsuko dahil mula sa pagkatalong ito muli tayong bumangon upang ganap na magtagumpay.
Ipaglaban ang Equity at katarungan
Kaya dito sa Amerika, patuloy na ipaglalaban gn JFAV ang katarungan at equity na hindi pa nakakamit ng may 41,000 nalalabing beteranaong Pilipino at may 60,000 kamag-anak at balo nila. Ipaglalaban ito ng JFAV sa Kongreso at sa lahat ng korte hanggang makamtan nila ang kanilang mithiin.
Lalaban nating ang lahat ng uri ng diskriminasyon at rasismo saan man ito magbuhat upang itaguyod ang ating komunidad.
Alam natin ang pagkabigo ang ina ng tagumpay. Dapat nating maunawaan na liku-liko man ang landas, sa huli tayo ay magtatagumpay! Muli nating isigaw ang ating paninindigan noon at hanggang ngayon:
Alalahanin ang Bataan, 1942!
Justice for Filipino American Veterans (JFAV)
Pambansang Komite
April 9, 2014