Daily Archives: June 25, 2014
PANAGUTIN ANG MGA MAY SALA, HUWAG BIGYAN NG ESPESYAL NA TRATO ANG MGA NAIKULONG ANG MGA KURAKOT NA SENADOR
USAP Coalition
PRJ2614
June 26, 2014
PANAGUTIN ANG MGA MAY SALA, HUWAG BIGYAN NG ESPESYAL NA TRATO ANG MGA NAIKULONG ANG MGA KURAKOT NA SENADOR
Los Angeles- “Pairalin ang batas ng pantay-pantay at panagutin ang lahat ng may-sala sa batas.”
Ikinagagalak ng Alliance-Philippines at ng United States Coalition Against Pork Barrel (USAP) Coalition na matapos ang halos walong buwan na paghihintay, sa wakas, sinampahan na ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang mga sangkot sa malawakang pangungurakot sa kaban ng bayan at naglabas na ang Sandigangbayan ng utos na arestuhin na sina Senador Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr. at Jinggoy Estrada.
Ayon kay Jerry Esguerra ng USAP-Coalition at Bantay-Pilipinas-USA, “ Matagal nang hinihintay ng mga Pilipino ang oras na ito at ang katuparan ng pangako ng Pangulong si BS Aquino na uusigin ang mga nagkasala sa bayan at lumabag sa batas. Batid naming panimulang hakbang lamang ito at marami pa ang susunod.”
Espesyal na Trato sa mga Kapwa Pulitiko
Gayunman, ikalulungkot ng USAP Coalition sa US ag paggamit ng mga akusado sa kanilang pagsuko sa PNP bilang isang sirko ng propaganda para umapela ng awa sa publiko at magpasikat. Habang nagsasabi ang administrasyong Aquino III na “walang special treatment” sa mga akusado, iba naman ang ginagawa ng mga ito sa tunay na buhay.
Ang paglalagay sag ma akusado sa mga bagong gawang selda at ang planong ilagay sa “hospital arrest” si Senator Juan Ponce-Enrile ay patunay sa kasabihang, “ tulak ng bibig, kabig ng dibdib”. Iba ang salita ng gobyerno sa gawa nito na nagsasabing” iba ang tinitignan, iba ang tinititigan.”
Tulad ng dating gawi nilang mga artista, sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada ay nagparada pa at nagsagawa ng malawakang propaganda kasama ang kanilang mga “hakot crowd” sa Camp Crame sa kanilang pagsuko diumano sa PNP.
Labanan ang Kultura ng Korupsyon
Ayon naman kay Arturo Garcia tagapagsalita din ng USAP, “ Lubos na talamak ang kultura ng korupsyon sa bansa na nag-uugat sa pag-iral ng mga pampulitikang dinastiya at ang pag-iral ng tagibang na sistema ng pagsasamantala ng mga mayayaman sa mahihirap at kawalan ng respeto sa batas.
Nanawagan ang Alliance-Philippines na arestuhin na at ikulong ang mga nasasakdal at huwag silang bigyan ng espesyal na trato tulad ng ginagawa ngayon sa nasasangkot na isa sa mga kaporal ng krimeng pandarambong na si Janet Napoles.” Patapos ni Garcia ng Alliance-Philippines.
Maging mapagbatay, labanan ang kultura ng korupsyon at igiit ang katarungan!
USAP Coalition
Alliance-Philippines
Los Angeles
Hunyo 26, 2014
****