Daily Archives: August 21, 2014
Mensahe ng USAP Coalition Para Sa Aksyong Masa sa Luneta, Agosto 25, 2014
-
Agosto 21, 2014
United States Against Pork Barrel (USAP) Coalition
Los AngelesMensahe ng USAP Coalition Para Sa Aksyong Masa sa Luneta, Agosto 25, 2014
Sa ngalan ng komunidad ng Pilipino-Amerikano dito sa Estados Unidos, mahigpit kaming nakikipagkaisa sa inyo sa inyong aksyong masa diyan sa Pilipinas.
Nagtagumpay tayo na labanan ang PDAF. Kaisa ninyo kami na nagdaos ng malawakang mga rali dito sa LA, NY at San Francisco noong isang taon, Agosto 29, 2013. Kaisa pa rin ninyo kami hanggang ngayon. At bagamat naalis ito muli na naman itong binabalik sa ibang pangalan tulad ng “Special Purpose Fund.”
Malayo man ang pagitan natin, nagkakaisa namin tayo sa diwa at layunin na tapusin na ang sagdsagarang kawalanghiyaan ng mga kurakot sa gobyerno lalo na ang mga nasa gobyerno ng pagkating BS Aquino III na nagnanakaw ng mga rekurso na para sana makapagserbisyo sa masang Pilipino.
Alam nating lahat kung bakit pinangigigilan ng grupo Aquino III ang DAP o anumang pangalan para dito. Alam nating lahat na gagamitin nila ang perang ito sa eleksyong 2016 para sa kanilang kampnaya para sila makapanatili sa kapangyarihan. Ngunit hindi na tayo papayag sa mga pambababoy na ito sa ngalan ng demokrasya.
Kasama ninyo kami sa kilos masang ito. Mula sa Los Angeles hanggang sa New York, Mula sa San Diego hanggang sa Alaska, mula sa Hawaii hanggang sa Boston, kung saan man may Pilipino, hindi na tayo papayag na magpaalipin sa mga bulok na pulitikong ito.
Ibig sabihin hindi pa tapos ang ating laban. Dapat lang tayong magpakatatag at lalo pang magpalawak para labanan ang pesteng ito sa ating bayan.
Tama na, Wakasan Na!, Pondo ng Bayan ay Para sa Bayan hindi sa mga bulok na pulititko!
Wakasan ang Pork Barrel sa Anumang Balatkayo at Pangalan nito!
Sa Pagkakaisa,
Arturo P. Garcia
Convenor ng USAP Coalition
Los Angeles, CA
*****