Daily Archives: December 4, 2014

TALAMAK ANG INHUSTISYA SA AMERIKA, BULOK NA SISTEMANG JURY, PINAWALANG SALA AT AYAW LITISIN ANG MGA KRIMINAL NA PULIS SA NEW YORK

Balitang Alyansa
Disyembre 04, 2014

TALAMAK ANG INHUSTISYA SA AMERIKA, BULOK NA SISTEMANG JURY, PINAWALANG SALA AT AYAW LITISIN ANG MGA KRIMINAL NA PULIS SA NEW YORK

Los Angeles- “Lantarang Inhustisya ang pagtanggi ng Grand Jury ng New York na litisn ang mga mamatay taong pulis na pumatay sa pananakal kay Eric Garner! “

Hinagkis ni Arturo Garcia, Pambansang tagapag-ugnay ng Alliance-Philippines (AJLPP) ang karumaldumal na krimeng ito ng pagpatay kay Eric Garner sa pagsasabing :“ Katulad ito noong panahon ng mga kolonyalistang Kastila at Amerika maging ng mga pasistang Hapones na nanakop sa Pilipinas sa mga krimen nila noon laban sa mga Pilipino.

Rasistang Hustisya, Labanan

Sa aksyong ito ng Grand Jury ng Nueba York, garapalang pinamumukha ng mga awtoridad ng pulisya sa Amerika at rasitang awtoridad na kaya nilang pumatay ng mga mamamayang walag laban nang hindi napaparusahan ayon sa Alyansa ng mga Pilipino/a sa Amerika.

Nang tumangging litisin ng Grand Jury ang kaso ni Eric Garner na pinatay sa sakal ng mga pulis ng New York nang walang kalaban-laban, pinatunayan lamang nitong salita lamang ang konseptong hustisya sa Amerika.

Sa katunayan, nagsusumigaw ang hubad na katotothanang para lamang ito sa mga Puti at lubos na kawalang katarungan para sa mga minoryang nasyunalidad tulad ng mga African Americans at iba pang lahi.” Dagdag ni Garcia.

Makatarungang Lumaban

Nanawagan ang Alyansa na muli nating ilantad ang mga kabulukang ng histemang hustiya sa Amerika. Ang garapalan na rasista sistema ng hustisya na pumapanig sa mga krimen ng pulisya. Dapat lamang baguhina ng sistemang jury na naglilihim, nagsasabwatan at laban sa mga mamamayan ng Amerika.

Walang nalalabi ngayon kundi ang magprotesta. Ilantad ang pabalat-bunga ni Obama at ng bulok na sistema ng hustisyang raista sa Amerika. Labanan ang lantarang pasismo at karahasan ng pulisya sa Amerika.

Lumabas sa kalsanda at magparotesta, Igiit ang ating mga demokratikong karapatan. Makatungan ang lumaban.

Makibaka Huwag Matakot! Ipaglaban ang Hustisya!

Para umugnay sa alyansa pilipina tumawag lamang sa (213)241-0995 at magemail sa [email protected]

*****