Daily Archives: June 16, 2015
PROTESTA LABAN SA PANGANGKAM NG SOSYAL-IMPERYALISTANG TSINA SA WEST PHILIPPINE SEAS, HUNYO 12 , 2015 SA WALMART –CHINATOWN LOS ANGELES
ALLIANCE NEWS
Hunyo 16, 2015
PROTESTA LABAN SA PANGANGKAM NG SOSYAL-IMPERYALISTANG TSINA SA WEST PHILIPPINE SEAS, HUNYO 12 , 2015 SA WALMART –CHINATOWN LOS ANGELES
Los Angeles—IPAGLABAN ANG SOBERANYA AT DANGAL NG PILIPINAS!
Magrali at piket ng mga Filipino-Americans laban sa pangangamkam ng mga Soyal-Imperyalistang Tsino sa West Philippine Seas may Walmart Neighborhood Market kahapon araw ng ika-117 taon ng Kalayaan ng Pilipinas,Hunyo 12, 2015
Nanawagan din ng boykot ng gawang produktong Tsina ang mga ito sa harap ng Walmart, ang pinakamalawak na distributor ng mga produktong Tsino sa America.
Pinangunahan ng Overseas Pinoys For Good Governance o OPGG at ng Filipino American Community of Los Angeles (FACLA) ang nasabing aksyong masa na tumagal ng isang oras.
Ang pambansang aksyon ay ginanap hindi lamang sa Los Angeles kundi sa iba’t-ibang bahagi ng U.S. tulad ng San Francisco, Washington DC, New York, Florida, Guam, Saipan atbpng bahagi ng Amerika.
BOYKOTT LABAN SA MGA PRODUKTONG TSINO
Sinabi ni Al P. Garcia ng JFAV,” Kakatuwang nagboykot noong bago sumiklab laban sa Japan ang mga Pilipino para suportahan ang Tsinan a noong ay sinasakop ng Pasistang Hapon samatalang ngayon nananawagan ang boykot ang mga FilAm sa Amerika laban sa Tsina.”
Ayon naman kay Macky Fortu,ng RVNC, “ Mahalagang maninidigan at ipagpatuloy ng bagong Presidente ng Pilipinas na labanan ang pananakop ng Tsina sa West Philippines Sea at sa mga isla natin doon.”
Idiin naman ni Royco Nuyda ng OPGG,” Mahalagang iboykot ang mga produkto para maipakita ang galit ng ating komunidad laban sa pangangamkam ng Tsina sa ating teritoryo.”
Para sa dagdag na impormasyon sa Alliance tumawag lamang sa (213)241-0995 or
bisitahin ang aming websites sa www.newfacla,or at www.peoplescore.net
****