Daily Archives: September 16, 2015
PAHAYAG NI SEN. GRACE POE, IPINAGBUNYI MGA FILAMS SA AMERIKA
Pabatid Pangmadla 03
GRACE POE FOR PRESIDENT MOVEMENT-USA
Setyembre 16, 2015
PAHAYAG NI SEN. GRACE POE, IPINAGBUNYI MGA FILAMS SA AMERIKA
Los Angeles- – “Sama-sama sa pag-unlad at sabay-sabay na aangat, walang maiiwan.”
Masigabong Ipinagbunyi ng komunidad ng mga Pilipino sa Amerika ang pahayag ni Senador Grace Poe na tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa Mayo ,2016.
Ipinahayag ito Ni Senador Grace Poe sa isang pormal na pagtitipon sa Bahay Alumin sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) kagabi, Setyembre 16,2015 sa Quezon City, Pilipinas.
Tuloy ng Laban ni FPJ
Ayon kay Jun Caringal, isa sa mga convenor ng Grace Poe For President Movement, “Masaya kami sa pahayag ni Senador Grace Poe maging panguko ng Pilipinas.
Ikinagagalak naming ipagpapatuloy niya ang laban ng kanyang amang si Fernando Poe Jr na dinaya noong 2004 at siya sanang naging pangulo ng Pilipinas.
Sabi pa ni Caringal, “tanging si Poe lamang sa lahat ng mga kandidato ay may plataporma para sa OFW sa labas ng bansa. Ibig sabhini nito may malasakit siya sa mgatulad naming nasa labas ng bansa di tulad ng iba na hindi man lamang binabangit ang mga OFW.
Ayon kay Ka,Larry Pelayo, “ Ikinatutuwa naming ang deklarasyon ni Senador Poe na hindi monopolo ng iisang tao o isang partido ang “Tuwid na Daan. Tama siaya na susi sa paglaban sa korupsyon ay ang pagpapasa ng Freedom of Information Bill o FOI.
Bilang isang mamamahayag, tatak ng isang makatarungan at maunlad na lipunan ang malayang pamamahayag at karapatan sa pamamahayag” dagdag ni Ka Larry Pelayo.
Sama-Samang Pag-unlad
Tuloy Na Poe
Sabi naman ni Arturo Garcia ng Justice for Filipino American Veterans (JFAV), “ Tunay na industrialisasyon sa pagpapaunlad ng tekonolohiya kasabay ng pagpapaunlad ng agrikulutura ang susi sa pag-unlad ng bansa”, ayon kay Poe.
Binakas din ni Poe ang laban ng kanyang amang si FPJ noong 2004. Malalaman na dinaya nina PGMA si FPJ noong eleksyong presidensyal ng 2004.
Sabi ni Poe’,” noong tumakbo ang aking ama (FPJ) siya ay minaliit, hinamak at pinagbintangan pang hindi Pilipino.
Ako po Si Grace Poe, Pilipino,Asawa, Ina.Inaalay ko ang aking sarili sa pinakamataas na posisyin bilang pangulo., “Ito ang pagtatapos ni Poe na nagpahayag na siya ay tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa Mayo 2016.
Para sa dagdag na impormasyon hinngil sa GPM tumawag lamang sa (213) 399-5042 at sa 323-253-1818 o magemail sa [email protected]
END
****