IPAGDIWANG ANG TAGUMPAY NG MASA LABAN SA PDAF AT DAP PAIRALIN ANG BATAS NG PANTAY-PANTAY AT PANAGUTIN ANG MGA MANDARAMBONG NG YAMAN NG BAYAN

ALLIANCE NEWS

July 8, 2014

IPAGDIWANG ANG TAGUMPAY NG MASA LABAN SA PDAF AT DAP PAIRALIN ANG BATAS NG PANTAY-PANTAY AT PANAGUTIN ANG MGA MANDARAMBONG NG YAMAN NG  BAYAN

Los Angeles-  Pairalin ang batas ng pantay-pantay at panagutin ang lahat ng may-sala sa batas.

Ikinagagalak ng Alliance-Philippines at ng United States Coalition Against Pork Barrel  (USAP) Coalition na matapos ang halos walong buwan na paghihintay, sa wakas, sinampahan na ng kaso ng Ombudsman sa Sandiganbayan at nakakulong na sina Senador Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr. at Jinggoy Estrada,Janet Napoles, Gigi Reyes atbp.

Bumigay din ang Korte Suprema sa matinding protesta ng mga Pilipino sa ating bayan at ditto sa Estados Unidos sa pamumuno ng USAP Coalition na nagdaos ng protesta kasabay ng malaihang protesta sa Pilipinas noong Agosto 2013. Kapwa ideneklara ng Korte Suprema na “unkonstitusyunal” ang PDAF at DAF.

Ayon kay Jerry Esguerra ng USAP-Coalition at Bantay-Pilipinas-USA, “ Matagal nang hinihintay ng mga Pilipino ang oras na ito at ang katuparan ng pangako ng Pangulong si BS Aquino na uusigin ang mga nagkasala sa bayan at lumabag sa batas. Batid naming panimulang hakbang lamang ito at marami pa ang susunod.”

Espesyal na Trato sa mga Kapwa Pulitiko

Gayunman, ikalulungkot ng USAP Coalition sa US ang paggamit ng mga akusado sa kanilang pagsuko sa PNP bilang isang sirko ng propaganda para umapela ng awa sa publiko at magpasikat.  Habang nagsasabi ang administrasyong Aquino III na “walang special treatment” sa mga akusado, iba naman ang ginagawa ng mga ito sa tunay na buhay.

Ang paglalagay sa mga akusado sa mga bagong gawang selda at ang paglalagay kay Enrile sa “hospital arrest” si Senator Juan Ponce-Enrile ay patunay sa kasabihang, “ ”iba ang tinitignan, iba ang tinititigan.”

Labanan ang Kultura ng Korupsyon

Ayon naman kay Arturo Garcia tagapagsalita  din ng USAP, “ Lubos na talamak ang kultura ng korupsyon sa bansa na nag-uugat sa pag-iral ng mga pampulitikang dinastiya at ang pag-iral ng tagibang na sistema ng pagsasamantala ng mga mayayaman sa mahihirap at kawalan ng respeto sa batas.

Nanawagan ang Alliance-Philippines na huwag bigyan ng espesyal na trato ang mga nasasakdal. Habang pinagbibigyan sila ng Sandigangbayan, alo lamang silang yumayabang katulad ni Enrile at hindi magtitika sa kanilang malubhang kasalanan laban sa bayan.” Patapos ni Garcia ng Alliance-Philippines.

Maging mapagbatay, labanan ang kultura ng korupsyon   at igiit ang katarungan

Alliance-Philippines

Los Angeles

 

Hulyo 8, 2014

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>