Sa Ika-Limang Taon ng Hindi Maituwid-Tuwid na Daan ng Rehimeng Aquino III, SONA Hulyo 2014
Alliance News
Hulyo 31, 2014
Sa Ika-Limang Taon ng Hindi Maituwid-Tuwid na Daan ng Rehimeng Aquino III, SONA Hulyo 2014
Los Angeles– “Lumalaon bumubuti, sumasama kaysa dati.”
Naging pangulo ang nagbabandila ng “tuwid na daan” Benigno S. Aquino sa napakalaking pag-asa ng bayang tatahak siya sa pangakong “ kung walang korap, walang mahirap’ ngunit taliwas sa kanyang pangako, dumami pa ang korap, ang bayan ay lalong naghirap.
Ngayon sa ika-limang taon ng kanyang pamumuno, bagamat sinasabing bumuti ang ekonomya dahil maraming nagpasok ng investments,
Grupong Aquino Yumayaman, Masa- Naghihirap
Patuloy na yumayaman ang mga kamag-anak at kabatakan ng Pangulong Aquino III sa paglimas sa kabang-yamang ng bayan, pagsasamantala ng mga korporasyong dayuhan sa likas yaman ng Pilipinas at pagtatambak ng mga sobrang produkto sa ating bayan.
Sa katunayan, ang may limang milyong nasalanta ng bagyong Yolanda sa Gitnang Kabisayaan ay naglublob pa rin sa paghihirap, kawalan ng tahanan at hanap-buhay. Ang pangakong tulong mula salabas ay hindi pa naibibigay at ang padaralita ay lalo pang nagibayo para sa biktima ng bagyo at daluyong sa lugar na ito.
Lumubha pa ang kriminalidad at talamak ang pangungulimbat sa mga karanaiwang tao dahil kasabwat ang pulisya at AFP sa kriminalidad na hindi maampat-ampat. Walang masulingan ang masa sa dalawang pangkat ng mga tulisan, ang mga nakauniporme at nasa poder at mga grupong kriminal na naglipana.
Wala pa ring ang inaasam na kapayapaan dahil nabalaho ang ipinagmamayabang na kasunduang Bansa-Moro sa Mindanao. Habang patuloy ang armadong paglaban ng mga grupong tutol sa kasunduan sa kapayapaang Bangsa Moro tulad ng MNLF, BIFF at NPA hindi maipatupad dahil sa mabagal na mga prosesong dinadaaan ng Kongreso at ng OPAP ng rehimen
Pandarambong Lumalala, Kapayapaan Nawawala
Ang pangdarambong sa kabang yaman ng bayan ay lalong lumala. Kahit na kinasuhan na at ipinakulong ni Aquino III ang isang dating pangulo at tatlong senador, hindi parin ligtas ang kanyang rehimen sa sarili nitong pagnanakaw sa kaban ng yaman sa pamamagitan ng DAP at iba pang sistema ng pangungurakot.
Sa ngayon lumalala pa ang hidwaan sa pagitan ng Korte Suprema at ng Pangulong Aquino at ng kanyang kontroladong Kongreso sahil sa usapin ng PDAF at DAP na lalong nagpalala ng krisis pulitikal sa bansa.
Patuloy ang pagsusulong nga armadong pakikibaka sa kanayunan habang umaariba ang mga kilos protesta sa kalunsuran. Ito ay dahil sa sagadsaring pagpapatuta ng rehimeng Aquino III sa Imperyalismong US at Hapon at sa pagpigil sa paglakas ng Tsina sa utos ng Amerika sa kanyang mga papet sa Asya.
Ipinatupad ng gobyernong Aquino III ang kasunduang EDCA na mas malala pa sa sa VFA at ngayon ay pinalalakas pa ang AFP para diumano“ harapin ang bantang panlabas ng Tsina”. Ganap nang isinuko ng rehimeng Aquino III ang soberanya ng bansa at ganap nang nagpabusabos sa Imperyalismong US at Hapon para kalabanin ang Tsina.
Sa kabilang banda, patuloy ang anti-mamamayang kampanyang kontra-insureskyon BAYANIHAN sa sulsul ng Amerika na nagpapalala sa paglabag sa mga karapatang pantao sa buong bansa. Alo lamang ito nagpa-alab sa paglaban ng masang inaapi sa lahat ng sulok ng bansa.
Huling Dalawang Taon
Ngayon pa lamang, naggigirian na ang mga grupong pulitikal sa paghahanda nila sa darating na eleksyong 2016. Nakauna na ang pangkat nila Aquino dahil ipinakulong at inalisan na nila ng poder ang mga kalaban nila sa pulitika.
Ngunit hindi nagpapatalo ng walang laban at nagbabanta rin ang mga pwersa nila Binay para kanilang kontra-atake sa rehimeng Aquino sa 2016 at sa kanilang pakanang patalsikin si Aquino III o gawin itong inutil sa mga huling taon nito sa gobyerno.
Ang kanilang pakanang impeachment kung ito ay may ay isang pakanang pang-asar o paninira sa anyong kampanyang pampropaganda ay magtatagumpay lamang kung magpapatuloy na magkakamali ang pangkat ni Aquino III na pabanguhin ang sarili sa kanilang kampanyang anti-korupsyon na hindi kasama ang kanyang mga alad at kampon.
Ang tanging bumubuhay sa bulok na rehimen ay ang pautloy na pagpapadala ng mga remittances ng mga OFW sa labas ng bansa. Ngunit ang pagdausdos ng ekomya ay lulubha kung magpapatuloy ang krisis sa pulitika dulot ng DAP at kabagalan ng sistema ng hustisya sa paguusig sa mga mandarambong sa kaban ng bayan.
Eleksyong 2016
Nakapananabik na pagmasdan ang mga maniobrang pampulitika sa taong ito lalo na sa padsapit ng eleksyong 2016. Ngayon pa lang ibinubuhos na ng lahat ng grupo mula sa mga Marcos, Roxas, Binay, Estrada, Cayetano at iba pang partido– ang kanilang lakas para siraan ang kanilang mga kalaban at palakasin ang kanilang hanay.
Kabilang dito ang pagpapalakas sa mga paksyon nila sa militar at pulisya maging sa mga kaalyadong armadong grupo sa buong bansa. Tiyak na magiging madugo ang susunod na eleksyon 2016 o may magaganap pang mga nakagigimbal na pagbabagong pulitikal sa mga susunod na taon.
Hindina mahalaga ang kung ano ang talumpati ni Aquino III sa SONA dahil ito ay matatangka lamang palaparin ang kanyang papel sa kasaysayan, palawigin ang kanyang impluwensya o ihanda ang kanyang kapalit sa 2016 o anumang planong pulitikal sa 2016.
Sa anu’t anumang nakahanda ng komunidad ng Amerikano-Pilipino sa Amerika na ipaglaban ang kanilang karapatan bilang isang komunidad at itaguyod ang kapakanan ng mga kapwa kababayan sa Pilipinas anuman ang mangyari sa hinaharap.
Alliance-Philippines
Los Angeles
Hulyo 28, 2014