PAKIKIRARAMAY NG ALLIANCE PHILIPPINES SA MGA BIKTIMA NG LABANAN SA MAMASAPANO, MAGUINDANAO, ENERO 24, 2015
ALLIANCE NEWS
Enero 29, 2015
PAKIKIRARAMAY NG ALLIANCE PHILIPPINES SA MGA BIKTIMA NG LABANAN SA MAMASAPANO, MAGUINDANAO, ENERO 24, 2015
Los Angeles—Taus-pusong ipinaabot ng Alliance Philippines ang pakikiramay nito sa lahat ng mga pamilya, kaanak at mga kaibigan ng lahat ng mga naging biktima sa naganap na madugong labanan sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 24, 2015.
Taus pusong nakikipagdalamhati kami sa pamilya, kaanak at mga kaibigan ng mga naulila ng 44 na tropa ng Special Action Force (SAF) ng PNP, 11 tropa ng MILF at ilan pang sibilyan.
Makakalaban man sa larangan, nagpupugay pa rin at nakikiramay kami sa lahat ng magkakalabang panig sa kabayanihan ng mga nasawing sundalo ng magkalabang grupo.
Ipagpatuloy ang Usapang Pangkapayapaan
Naniwala ang Alliance na magpapatuloy ang proseso ng pag-uusap pangkapayaan sa panig ng gobyerno at MILF at harinawa ang sakripisyo ng magkabilang panig ay magbunga ng matagalang kapayapaan na may hustisya sa Mindanao.
Nananawagan din ang Alyansa na itigil na ng mga nanunulsol sa lantarang digmaan at hysteiang anti Muslim at anti-MILF lalong lalo na ang mga militarista sa AFP at PNP maging sa loob ng Kongreso at sa lahat ng sektor ng lipunan.
Bigyan naman ang pagkakataon ang kapayapaan. Tama na ang may mahigit na daan taon ng digmaan at labanan at hanapin ang kalutasan tungo sa kapayapaan, pag-unlad at hustisya.
Para umunay sa alliance tumawag sa (213)241-0995 o mag-email sa [email protected]