IKALAWANG PAMBANSANG KOMPERENSYA NG JFAV, GAGANAPIN SA UCLA SA IKA-5 NG ABRIL
JFAV UPDATES (Edisyong Pilipino)
March 22, 2014
IKALAWANG PAMBANSANG KOMPERENSYA NG JFAV, GAGANAPIN SA UCLA SA IKA-5 NG ABRIL
Los Angeles –Ipinahayag ng Justice for Filipino American Veterans (JFAV), na gaganapin ang kanilang Ikalawang Pambansang Komperensya sa ika-5 ng Abril, 2014 sa University of California of Los Angeles (UCLA).
Ang tema ang Ikalwang Pambansang Komperensya ng JFAV ay “ Pagtibayin ang mga Tagumpay at Isulong ang Pakikibaka Para sa Pagkakapantay-pantay at Hustisya ( ” Consolidate Our Gains, Struggle for Veterans/Survivors Equity and Justice”) .Gaganapin ang komperensya sa .UCLA Student Activities Center Rooms 1, 2 and 3 mula 9:00 ng umaga hanggang ika- 6 PM ng gabi.
Ipinahayag ng (JFAV) National Coordinator Arturo Garcia, “Ito na ang ikalawang pambansang komperensya sa loob ng walong taon. Ang unang komperensya ay nang buuin ang JFAV bilang isang pambansang organisasyon noong 2006 dito rin sa UCLA.
Noon ang JFAV ay isang pangkampanyang organisasyon ng People’s CORE. Nakabase lamang ito sa timog California ngunit tinanggap ng JFAV na magbuo ng isang pambasang organisasyon dahil ito ay kailangan.”
Pagtibayin ang mga Tagumpay
Sabi pa ni Garcia, “ngayon na nakapagpalawak na ang JFAV, nailatag na nito ang lobby sa US Congress at nagsampa ng mga kaso sa korte hangggang sa Korte Suprema ng Amerika, panahon nang palakasin ang JFAV.
Kailangan nating itaas ang antas ng pakikibaka lalo na at nasimulan na ang lobby sa Kongreso mula noong 2010 at nakapagsampa na nga mga kaso laban sa DVA at nakapagorganisa na tayo ng mga dagdag na organisasyon tulad ng AWARE, S4PACE at iba pa .
Kailangan nating isulong ang pakikibaka lalo na para sa mga nalalabing betreano, balo at kanilang mga kaanak na pinagkakaitan ng mga benepisyong dapat ay matamasa nila. Lalo na at kumakaunti na sila at kinakaos na tayo ng panahon.”
Mga Kinakailangang Pagsisikap
Sinabi pa ni Garcia, “ Ang mga balangay ng JFAV sa bawat lugar ay magsisikap na magpadala ng mga delegado sa isang araw na komperensya .
Masigla nilang babalangkasin ang mga kinakailangang hakbang para sa susunod na mga Gawain at atas para sa kapakanan ng nalalabing 41,000 beterano at may 60,000 na kaanak nila sa Amerika at sa Pilipinas. Kasama na rito ang pagpapasigla sa kampanya para sa Philippine Studies sa mga paaralan at unibersidad.
Kaya nanawagan ang JFAV sa lahat ng mga aktibistang Pilipino-Amerikano, mga alyado, kaibigan at tagapagtaguyod na sumama at lumahok sa Ikalawang Pambansang Komperensya ng JFAV sa Abril 5 sa UCLA.
Ang Tao , ang Bayan, Magpapanalo sa Laban!
IPAGLABAN ANG MGA KARAPATAN NG MGA BETERANO AT BALO!
LAKAS NG BAYAN, IPAGWAWAGI NG MAMAMAYAN!!
Maari lamang ilaan ang araw sa Abril 5 at dumalo gayunin dalawin ang aming FB page sa jfav-los angeles.o tumawag sa (213)241-0995 o mag- email sa amin sa [email protected] at sa [email protected] o a [email protected] Maari ding dumalaw sa website ng newfacla.org sa dagdag na impormasyon.
*****