ISINABUHAY NG MGA PILIPINO ANG TRADISYONG PABASA SA AMERIKA
Komunidad
April 23, 2014
ISINABUHAY NG MGA PILIPINO ANG TRADISYONG PABASA SA AMERIKA
By Arturo P. Garcia
Bilang paglilIingkod bayan ng Filipino American Community of Los Angeles inc. o ng (FACLA) sa panahon ng Kuaresma o Mahal na Araw, idinaos ng ng FACLA ang dalawang araw na pabasa ng PABASA ANG PASYON NG POONG HESUKRISTO.
Mahigit na 30 tao ang lumahok sa PABASA SA FACLA ng may 213 pahinang aklat ng PASYON sa loob ng dalawang araw noong Abril 16 at 17, 2014 sa Social hall ng FACLA.
Para sa komunidad ng mga Pilipino-Amerikano sa LA ang pagsasabuhay ng gawing ito mula sa Pilipinas ay lubhang makabuluhan at gawaing makabayan. Isa itong matagumpay na pagdidiriwang ng Mahal na Araw,
Kasaysayan ng PABASA
Ang pabasa ay anging tadisyon ng Pilipinas mula ng sakupin ng mga Kastila ang ating bayan. Ginamit nila ang tradisyong pakanta ng mga Pilipino upang palaganapin ang Katolisimo sa loob ng kanilang 333 taong pananakop.
Ginamit ng mga KAstila ang istorya ng pasyon ni Kristo sa paggamit ng wikang nakasulat nating BAYBAYIN at nang malaganap na ito, unti-unti nilang inalis ang nakasulat na wikang BAYBAYIN at sa halip isinalin nila ito sa wikang Kastila gamit ang ABAKDA o anglisadong Pilipino .Dahil ditto mabisa nilang naalis ang BAYBAYIN bilang isang nakasalat na wika at naplitan ito bagamt nanatiling isang sinasalitang wika ang BAYBAYIN..
DAhil ditto, hindi inaasahan ng mga Kastila na sa kabila ng pagkawal ng BAYBAYIN bilang isang sinasalitang wika, pumaloob naman sa iba’t ibang wikang Pilipino ang mga salitang Kastila. Nagsilibi toing mga salitang hiram na nagpayamin sa ating pambansang wika- ang Pilipino, na ibinatay sa Tagalog.
Dahil mayaman ang iba’t ibang tribo sa Pilipinas sa inawit na tradisyong oral tulad ng DALLOT at DAN-DANIW ng Ilocos at Cordillera, PUNI ( sa Pampanga o ng mga Kapampangan), KUNDIMAN at KUDYAPI ng Katagalugan, dahil dito ,lalo pang yumaman at napanitili ang mga tradisyong ito sa ating bayan.
Ang mga probinsya ng Katagalugan tulad ng Bulacan at Batangas gayundin ng Pampanga ang mga pinakasugid na nagpanatili ng tradisyong magdaos ng PABASA sa kanilang mga pamilya at bayan at dinala pa nila ang tradisyong ito sa Amerika.
Ang mga pormang ito ay pinayaman pa ng mga ibang pormang pangtanhal tulad ng DUPLUHAN, SARSUERLA, MORO-MORO at ng PABASA o ng PASYON noong panahon ng Kastila at ng mga Amerikano, magpahanggang ngayon.
Bakit Nanatili ang Tradisyon?
Bakit nanatili ang tradisyong pabasa sa Pilipinas sa loob ng mahigit na 450 taon? Ito ba ay dfahil malakas ang simbahang Katoliko sa Pilipinas? O dahil ito ay isang bagay na kulutral?
Ang sagot ay hindi. Tulad ng komunidad ng mga African-American sa Amerika, ang mga Pilipino, tulad ng lahat ng baying nasakop ng panginoong dayuhan, ay nagkaroon ng malalim na pagnanasang lumaya t ipinahayag nila itp sa kanilang pambansang kultura. At isa na rito ay ang PABASA ng PASYON. Ang PABASA ay nagging isang protesta nila laban sa pananakop ng mga Kastila at ng mga Amerikano.
Katulad ng bansang Hudyo ng sila ay masakop ng mga Romano, ginamit nla ang kanilang paniniwala laban sa mgas dayuhan upang manatiling nagkakaisa at ipahayag ang kanilang pag-asang lalaya din sila sa pangaapi ng mga dayuhan. Isinabuhay nila ito sa kanilang mga awit, salmo at iba pang paniniwala, kaya lumaganap at nanatili ang kanilang paniniwala dahil dito.
Sa Pilipinas,kahit na nagapi ang mga Pilipino sa Digmaang Pilipino-Amerikano noong 1899-1916, ang gma relihiyosong grupo tulad ng Santa Iglesia sa Norte at nila Papa isio sa Kabisayaan ay nagpatuloy na lumaban sa mga Amerikano. Pinaglahok nila ang pagmamahal sa bayan at ang kanilang paniniwala sa diyos.
Salamat sa mga lumahok sa PABASA
Mahigit 20 taon ang nagbasa sa PABASA sa long ng dawlang araw sa loob ng mahigit sampung oras at kalahati mula noong Abril 16 hanggang Abril 17. Walang nagging PABASA noong Bieyernes Santo, Abril 18.
Pinasalamat ni Austin Baul Jr, Presidente ng FACLA ang lahat ng lumahok sa PABASA. Sila ay nagdala ng pagkain, nagbasa, tumulong sa PABASA, kumuha ng litrato at naglinis sa FACLA sa panahon ng PABASA.
Ang mga lumahok sa PABASA.
Noong Miyerkoles Santo, Abril 16; Teresa Viray, Larry Pelayo, Art Garcia, Rudy Vallejo, Bernie Ganon, Marc Carato, Austin Baul Jr, Lorie Lee, Elisa Rosario ang mga nagsiba sa ng PASYON.
Noong Huwebes Santo, Abril17: Teresita Orcini, Aida Dy, Lagrimas Yumul, Caridad Pascua, Avelina Hall, Larry Pelayo, Marc Caratao, Austin Baul Jr, Cecile Pante, Mon Pante, Lorie Lee, Teresa Viray, Cora Miller, Rudy Vallejo, Jasmine Morada, Rey Ganon, Bernie Ganon and Art Garcia.
Ang mga hindi nagbasa ngunit tumulong sa FACLA sina: Sid Balatan, Miriam Balatan, Paul Julian, Clarita Julian, Nila Jamias, Linda Nery, Rene Villaroman, Jun Dos Pueblos, Concordia Dos Pueblos, Fender Santos, Danny Adlawan, David Garcia at Jen Morada
Kulang ang Paglahok ng mga Kabataan
Nakalulungkot lamang na kulang at kakaunti ang mga kabataang Pilipino na dumalo sa PABASA. Marahil dahil hindi nila alam o hindi sila interesado. Lubos itong kaunaunawa dahil mas nalululong ang maraming kabataan sa porma at hindi sa esensya ng mga bagay na kultural.
Mas mahilgi sila sa mga tattoo, hip-hop at labas dito ang PABASA na sa kanilang pakiwari ay isang bagay na relhiyoso. Patunay lang may “cultura; gap” o pagitan ang mga bagay na luma at bago. ISAng natural na hadlang sa pag-unawa sa mga tradisyong Pilipino.
Ngunit sa kabila nitp, isa na naming patunay na ang tradisyong ito sa Kulturang Pilipino ay nanatili at mananatili sa loob ng mahigit na 450 taon. Ang pagsasabuhay nito ay isangmakabayang tungkulin, hindi lamang isang bahagi ng ating relihiyon. Patunay ng maruddob na pgamamahal ng mga Pilipino sa kanilang bayan at kutura.
HAPPY EASTER O MALIGAYANG PASKO NG MULING PAGKABUHAY SA LAHAT!
***